Intramurals '06
Thursday, August 31, 2006

Intramurals 2006. Panahon ng mga laro, panahon ng mga dayaan, panahon ng kasiyahan, panahon ng pasa at bukol, panahon ng mga sawi, at maraming pang ibang panahon. LOL

Ako ay isang tao na hindi sumasali sa Intrams. Hinding-hindi. Hindi kasi ako magaling sa mga sports maliban lang siguro kung may siatong (tama ba ang spelling?) o banana eating. Hindi nga ako naglalaro ng basketball. Walang-wala ako kung sports ang pag-uusapan. Kaya nga sa Intrams wala akong sinalihan.

Ngayon ko lang nalaman na marami palang activites ang intrams at hindi lang puro laro na parang mga bata na nagpapaligsahan. meron din palang:

  • Field demonstration - ito! kasali ako dito. hindi kasi pwede ang hindi sumali kaya napilitan tuloy ako kahit wala akong talento sa pag-sayaw. E ano ngayon kung hindi ako marunong? Ako ba ang titingnan ng mga tao? Hindi naman a!

  • Socio-Cultural Activities - eto. Mga paligsahan na may kinalaman sa mga sayaw kanta, at marami pang iba. Dito mo makikita ang mga tao sa tanghalan kahit hindi naman sila magaling sa kanilang sinalihan. May mga dancers na hindi naman dancers; mga singers na hindi singers. Akala lang siguro nila magaling sila. Pero may iba naman na magaling talaga. Pero karamihan, HINDI.

  • Ms. Intrams - Kung naghahanap kayo ng mga babaeng maganda, wag na kayo aasa dito. Iilan lang ang mga magaganda na sumasali. Ang iba ay napilitan lamang dahil sa additional points o sa mga sinabi ng iba na maganda RAW sila. May iba na parang sinampal na kung titignan mo ang mga mukha nila. Sayang nga e hindi sumali si *tooot*. Siya na sana nanalo...


  • Blind Date - Ito ang ayaw na ayaw ko sa lahat. Dito mo makikita ang hindi mo dapat makita. Sabi nga ng classmate ko na nabiktima dito, ang baho raw ng panyo na ginamit pantakip sa mata niya! Ayaw na ayaw ko ito, lalo na ang panyo na yan. Kung ganyan lang din naman ang gusto nila, sana pumunta nalang sila sa mga bar at iba pang mga lugar na angkop para diyan at hindi
    sa paaralan.

  • Horror House - Paborito ko 'to. Ito ang hinihintay ko tuwing Intrams. Labs na labs ko nga 'to e. May mga aswang na hindi naman nakakatakot. Mas nakakatakot pa nga ang mga mukha ng pumapasok sa horror house kesa mga moo moo na nasa loob!

    Nagmumukha na ngang circus yung paaralan namin! Dahil sa mga activities na yan!

    Overall, okay din naman ang Intrams kasi hidni kami naka-uniform! YEHEY! Walang klase at tsaka pwede kami pumunta kahit saan!

    Teka, sumali pala ako sa Amazing Race. Hindi ito worldwide race. Sa paaralan lang namin.
    Excited na ako bukas kasi isa ako sa mga sumali. Sabi ng tagapamahala sa laro, 8-10 km
    daw yung race! Hanep! Ang saya! Abangan niyo nalang ang next post ko kung nanalo ba ako
    o hindi.

    Btw, next post ko nalang sasabihin kung sino ang nanalo sa Palaro.

    Yan lang muna. Practice muna ako para bukas.*Stretch* *Stretch*



  • COMMENTS:



    Ano ba dapat?
    Sunday, August 27, 2006

    HELLO! Ako'y nagbabalik! Sa napapansin niyo, binago ko na din lahat ng kulay sa blog ko. Iniba ko na kasi maraming nagsasabi na dapat ko ng baguhin ang layout. Pero dahil hindi ko alam kung pano gumawa ng layout, binago ko nalang ang mga kulay.

    Marami din ang hindi nagustuhan ang bagong kulay ng layout ko.

    Tanong lang.

  • Masakit ba sa mata yung blog ko?

  • Pambabae ba?

  • Magulo ba?

  • Dapat bang gawing darker ang background?

  • Ano?


  • Alam kong may binubulong ang mga utak niyo ngayon. Wag kayo mahihiya. Sabihin niyo please para hindi naman magmumukhang tanga ang blog ko. baka sinasabi niyo na maganda ito pero sa totoo pala ay umaapoy na sa galit ang puso niyo at gustong-gusto ng isigaw na "ANG PANGEEET NG BLOG MO!!"

    PATULOY PA RIN ANG PALARO 4. WALA PANG NAKASAGOT NG TAMA
    CLUE: ACTOR, HOST, GMA7.

    COMMENTS:



    New Header
    Saturday, August 26, 2006

    Hulaan niyo kung anong bago sa blog ko! hulaan niyo. Kapag hindi tama ang iyong hula, kailangan mo ng magpagamot sa doktor. Imulat ang mga mata. Makikita mo ang aking masterpiece.

    At Last! After billions of years! Nakagawa na rin ako ng sariling header. Ang saya-saya! Para akong isang bata na binigyan ng lollipop. Sinimulan ko yang gawin mga 10 pm. At natapos ako, 12 noon. Ang hirap! Ang tagal kong kumain dahil diyan! habang ginagawa ko ang header na yan, nainikip ang aking dibdib dahil baka masira ko ang ginawa ko. Alam niyo naman na ako'y bobo pag Adobe Photoshop na ang pag-uusapan. Mag dadalawang buwan na siguro ang photoshop dito sa PC. At ngayon lang ako nakagawa ng header! ito yung pinaka-unang ginawa kong larawan gamit ang photoshop. Mas madali pa ang MS paint kaysa Adobe PS! Pinapawisan nga ako!

    Alam kong di ito maganda para sa iyo. Marahil sa iyo, basura lang 'to. Pero para sa akin, ITO ANG MAGPAPATAOB SA MONA LISA! Bwahaha!



    Ang dali lang pala ng ikatlong palaro! Akala ko pa naman na mahihirapan kayo! Ang unang nakasagot ng tama ay si Jonnazel . Ang tamang sagot ay Christopher de leon.

    PALARO 4

    You can also visit SIMPLE BLOG GAME for those non-filipino bloggers out there who want to play games like this one.

    CLUE: Filipino




    PLS.. BIGAY KAYO NG COMMENTS TUNGKOL SA AKING NEW HEADER...

    COMMENTS:



    TULA KO... [bow]
    Wednesday, August 23, 2006

    Ito po ay isang tula. Hindi isang kanta. Sinulat ko ito dahil takdang-aralin naman 'to sa Filipino. Sige! Pagtawanan niyo na! Okay lang naman sa akin. Alam ko rin naman na OA yung tula at nakakatawa. Hindi mo aakalain na ako ang sumulat niyan. Hindi ko po kinopya yan sa kahit anong libro o websayt. Galing ho yan sa aking utak at wala ng iba.

    Bigyan niyo naman ng grade ang aking tula. Kung may mali po kayong nakita (spelling, grammar o kahit ano basta mali) sabihin niyo po. Hindi ko rin naman kayo papatayin. Oks lang. Wag matakot. Wag mangamba. Tumawa lang.

    Bago niyo pala basahin, wala palang pamagat ang tula ko. Kung may alam kayong tula na angkop para sa aking tula, sabihin niyo sa akin. Sige.. Simulan mo na.


    Anim na buwan na nang ika'y humiwalay
    Nang ika'y lumisan, ako'y walang malay
    Mas mabuti pa na ako'y mamamatay
    Ang buhay ko rin naman ay wala ng saysay

    Simula sa araw ng ika'y umalis
    Ang tibok nitong puso'y di na mabilis
    Bakit iniwan mo ako ng ganito?
    Ngayon ang puso ko ay para ng bato

    Kung kaya ko lang ibalik ang panahon
    Iingatan ko ang puso mo sa kahon
    Ang sigaw nitong puso ay tanging ikaw
    Kailan kaya kita muling madadalaw?

    Hanap-hanap ko ang iyong mga halik
    Sa iyong mga yakap, ako ay sabik
    Gustong-gusto ko na ika'y makapiling
    Pagbigyan mo ako sa tangi kong hiling



    MAy nakasagot na rin ng tama! Si Neil ang nakasagot ng tama. Hindi sa Mandy Moore! Ang tamang sagot ay HILLAR DUFF. Mahirap ba talaga yun.

    PALARO 3

    You can also visit SIMPLE BLOG GAME for those non-filipino bloggers out there who want to play games like this one.

    CLUE: Pinoy Actor

    Sino kaya? hhmmm...

    COMMENTS:



    PALARO 2!
    Sunday, August 20, 2006

    wow! Ang bilis naman! Si Aahhhron ang nakasagot ng tama.. Si Madam Auring yung nasa pic.

    Eto! PIC 2! Tawang-tawa ako habang ineedit ko yung pic! hahaha!



    PALARO 2:


    You can also visit SIMPLE BLOG GAME for those non-filipino bloggers out there who want to play games like this one.

    Clue: Singer and Actress

    COMMENTS:



    MAY PALARO!!

    Guys! May Bagong palaro ako! galing ito kay talksmart. Pinayagan niya ako na ipagpatuloy ay palaro niya. Hindi ko po to ninakaw sa kanya. Humingi po ako ng pahintulot. Pumayag siya. Simple lang naman ito. Hulaan niyo lang kung sino ang nasa larawan. Diba madali lang? LOL! Para mas mahirap ididistort ko yung pic para hindi dali mahulaan! Di ba ang saya! wooohhooo!

    Para sumagot, simple lang din! Ilagay niyo lang ang sagot niyo sa comment section! ang dali lang! Ang mga larawan ay maaring mga pinoy na artista, politiko, tao, hayop, alien o kahit na ano. Magbibigay lang ako ng clue para mas madali!

    Ang pinaka-una na makapagbibigay ng tamang sagot ay ang mananalo. Dapat isang sagot lang bawat blogger. Yung unang sagot mo ang aking tatanggapin bilang final answer. Ang mananalo ay may libreng plug sa susunod na post!

    O! eto na yung first pic!

    PALARO 1:

    You can also visit SIMPLE BLOG GAME for those non-filipino bloggers out there who want to play games like this one.

    Clue: Pinay

    o ! ayan ! sagot na! Maraming salamat talksmart. !

    COMMENTS:



    Cheaters go to HELL
    Tuesday, August 15, 2006

    Aray! Ang sakit naman nun! Natamaan ata ako sa sinabi ko! Pero ok lang sanay na ako! LOL! Bago ako magsimula, ibibigay ko muna ako kahulugan ng cheater.

  • Cheater - a person who breaks rules to gain advantage: to break the rules in a game, examination, or contest, in an attempt to gain an unfair advantage


  • Yan ang sinabi ayon ni Mr. Encarta. Cheater nga ba ako?

    Kung tutuusin, WALANG tao ang hindi dumaan sa pangongopya. Lalo na sa HS years. Wag mo sabi na hindi ka nangopya noon! Alam ng Diyos ang totoo. Be true! May motto nga ang section namin! "Sharing is the Best Policy". Idagdag mo pa ang "Cheating is prohibited; but sharing is allowed" Kita niyo na! Ganyan kami ka-expert sa larangan ng pangogopya! Mapa-assignment man, quiz, exam, UP Entrane test, walang patawad. Walang sinasanto! Hindi ka makapaniwala kasi ang isang Network A Special Science Class of DiCNHS ay nangongopya pala! lahat kami! 65 students!

    Pero hindi naman talaga yan cheating! Sharing ang tawag namin jan para hindi masyado masama sa pandinig. Ang cheating kasi ay yaong pangogopya sa iyong kaklase na hindi niya nalalaman na nangongopya ka na pala. Ang sharing naman ay ang pagpapalitan ng sagot! Kaya nga sharing e! Give and take lang! Ang sakit naman sa damdamin kung nagpapakopya ka palagi tapos walang nagpapakopya sa yo! Diba ang sakit nun! Dahil diyan, naimbento ang SHARING.

    May iba naman sa amin, na nahihiya pang sabihin na nangopya siya! Dapat wala kang hiya! Taas noo mong sabihin na "NANGGOOPPYA AKKKOOO!" Ang kapal naman ng mukha mo kung sasabihin mong hindi ka nangopya kahit kitang-kita na ng mga ka-klase mo ang kalokohang iyong ginawa..

    May iba rin na nagpapakopya kami alam nila na ang sagot nila ay mali. LOL! May taong ganyan!

    Napaksaya talaga ang buhay ng CHEATER! hahahaay.. Mabait pala kasi mahilig mag-share! hahaha!

    O! ikaw! mahilig ka rin ba mag-share? Wag ka mahiya! Magpakatotoo ka!

    COMMENTS:



    BLOG = Low grades
    Thursday, August 10, 2006

    Kakatapos lang ng test namin.. Ang hirap ng test namin! At ang dami ko pang mga mali dahil sa katangahan! LOL! Btw, nag-aaral pala ako sa Digos City National High School (DiCNHS).

    um.. Parang alam ko ang dahilan kung bakit pababa ng pababa ang grades ko. Parang ang blog ko ang dahilan. OO. yung blog. Nababawasn na kasi yung oras ko na dapat nilalaan ko sa pag-aaral. palagi nalang ako nakaharap sa computer. Pagkatapos ng pasok namin, uuwi kaagad ako sa bahay para mag-on ng PC, Mag-connect sa internet, then bisitahin ang blog. Araw-araw ako nag-susurf sa web. Hindi kasi kumpleto yung araw kung di nakabisita sa aking walang kwentang blog. Tinitignan ko ang mga comments at tags. Dahil sa aking blog, nagiging bobo ako bawat minuto. Sa bawat bisita ko ng aking blog, bumababa ang aking IQ. hahahaay..

    Pero di ko sinasabi sa inyo na tigilan niyo na ang pag-blog. Ok rin naman ang blog, magkakaroon ka ng mga kaibigan (at mga kaaway).

    Di lang naman yung blog ko ang dahilan ng pagbaba ng grades ko. Kasali na din dun ang mga kalokohang ginagawa ko, katamaran, at marami pang dahilan. Pero ang blog talaga ang numero uno.

    Siguro napapansin niyo na ang post ko palagi ay tungkol sa pagiging "bobo" ko. Huwag nalang kayo magreklamo kasi totoo naman. Yan lang palagi ang sinasabi ko. Wala ng iba. bobo. bobo. Siguro kung may utakgago (vinkz) may utakbobo (ako). LOL!

    Kayo, di ba nagiging sagabal ang blog niyo sa inyong studies? Kasi sa akin, talagang nakakaapekto. Bigay nalang kayo ng tips.

    COMMENTS:



    UPCAT meow! meow!
    Sunday, August 06, 2006


    UP! UP! Sana UP ang score ko sa UPCAT at hindi DOWN! HAHAHA! [ang corny ng joke no?]

    [serious mode na] [kumapit ka na...]

    Hindi ko pinapangarap na mag-aral sa UP. Hindi ko nga alam kung bakit maraming gusto ang mag-aral sa UP. Ano ba ang ansa UP? Yung istatwa na nakahubad? Ganyan ako ka-bobo.

    Nagtake ako ng UPCAT Test kahapon, Aug 5 06. Halo-halong kaba ang naramdaman ko. May kaba, excited, masaya at maraming pang iba (LOL! Parang Halo-halo! YUm YUM!) Maaga akong gumising. Napakaaga. 4:30 am. Am AM! Hindi PM! Napakalamig talaga ng panahon kahapon kasi kakatapos lang ng ulan. OK. Balik na tayo sa kuwento. Kumain ako ng maarraaammiing pagkain para hindi magutom! 5 hours ang test!!!! HUWWAAAT?

    Napakahirap talaga ng UPCAT!! Nag-cramming pa ako kasi nauubusan na ako ng oras!! Nung sinabi ng proctor na 10 mins nalang para sa Language Profiency na test! Hala! Parang kabayo ako kung sumagot!! Napakabilis. Kabadong-kabado ako. Marami akong tanong na HINDI sinagutan. kasi Right minus wrong. Kung mali kaya , Minus 1/4! Ganyan ang test! Mas mabuti pa siguro. wala akong sinagot para 0 lang yung score ko! Kasi baka aabot na ang marka ko sa NEGATIVE dahil sa kakaminus ng 1/4!

    Napakahirap din ng MATH!!! Ang dami kong sagot na pawang hula lamang! Sana tinulungan ako ni Madam Auring sa pagsagot. Siguro kung may 1st year HS na nagtake ng exam, sigurado ako na mas mataas ang kanyang score kesa akin.

    Nakak-inis talaga! Kasi baka ako lang ang hindi pumasa sa UPCAT. Hindi rin naman ako umaasa na papasa ako. Kaya okay lang. SuS! Kung papasa ako, magpapakabait na ako! Pero malabo yung mangyari. Sa panaginip nalang yun. : (

    Wala pa naman sigurong namamatay dahil hindi nakapasa sa UPCAT, tama ba ako? Um.. kung wala pa, ako nalang ang magsisimula.

    COMMENTS:



    OO na! Typo ako!
    Thursday, August 03, 2006

    Typo.. tpyo.. topyo...


    haaay.. napaka typo ko. ang dami kong mali. Binasa ko ang mga past entries ko, at ang daming mali! WAAA! ang bobo ko! Ako na ata ang pinakabobong blogger sa buong blogosphere! Pero di rin naman siguro ako nag-iisa. May mga ibang bloggers rin siguro na typo dahil mabilis mag-type. Mabilis nga, pero andami namang mali!

    siguro habang binabasa mo ang mga posts ko, umaapoy na ang mga tenga niyo dahil sa galit. Siguro ang bobo ng tingin niyo sa akin. typo. typo. typo. ang sakit naman pakinggan nun! tagalog na nga ginagamit ko, mali mali pa ang spelling! WAAA!! Nakakahiya naman!
    Kung magkakaroon ng list ng mga bloggers according sa utak, SIGURADO nasa last ako... Halata naman sa post ko na bobo ako... Hindi ako magaling magsulat... Alam ko yun.

    pero wala talaga akong magawa, ganyan talaga ako. Isinalang ako na mali mali ang pag spelling. Nung kinder nga ako, nakalimutan ko ang pangalan kO! ganyan ako ka bobo... Hahahay... Ang buhay talaga. Ang hirap mabuhay lalong lalo na kung sinumpa ka na maging isang bobo. Pasensya na. hindi na ako magtataka kung dadating ang araw na wala ng magbibigay ng comment sa mga posts ko dahil hindi nila mabasa yung post ko dahil sa rong ispelengs.

    pasensya na.... wala talaga akong magagawa. Tinatamad kasi akong magbasa ng post ko ulit para i-review.

    Typo na, tamad pa! HANEP!! Galing ko talaga.

    sige na.. comment nalang kayo kahit mali-mali yung spelling.

    COMMENTS:



    blah blah blah

    Hey! This is my ChatBox! Please show some respect! Bashing and cursing is definitely NOT allowed here! OK?


    the author

    very ugly... i know you're laughing..

    Thanks for dropping by at my blog! By the way, I am Mikhail "Mikmik" Olalo, 15 years old and still breathing since April 11, 1991. Dont forget that this is my blog. I can say anything I want so please respect all my opinions that I have posted. If you dont like my posts, layout, opinions, you can leave my site now. Be very careful, because I know your IP address. .The [x] button is always right there at the top right corner of your screen waiting to be pushed by bloghaters and blogbashers. If you like my site, then you are free to read all my posts. Please leave some marks like tags and comments before you leave my site. I would be very happy if you do. I'm sure it won't take a minute. Thank you.

    If you want to know more about me, then let's chat thru YM.

    YM: mikhailolaloym



    or e-mail me @:

    mikhailolalo@yahoo.com

    You can also visit my:

    Corporate Logo Design
    Hit Counter

    tunnels

    *Aaane* *Aahhhron* *Aaron* *Abigail* *ABS Buzz* *Aby* *Abyss* *Achoo* *Adelyn* *Ahjh* *Aiiya* *Aleli* *Alex* *Aleyssa* *Alikoy* *Aljo* *Alona* *Alternati* *Alyanna* *Alyza* *Andrea* *Andrea[2]* *Andrea[3]* *Ana* *Angel* *Angel[2]* *Angelique* *Angelrichter* *Anje* *Anjlq* *Anjouli* *Anya* *April* *Ariane* *Arriane* *Arianne* *Arnel* *Astrid* *Audrey* *Avy* *Axisters* *Ayeka* *Azhan* *Babols* *Bayenn* *Babyrose* *Barbie Dull* *Bea* *Bea[2]* *Becky* *Bernise* *Bhelayskie* *Bianca* *Bianca[2]* *Bianca[3]* *Bianca[4]* *Billycoy* *Blair* *Blogaholic* *BloggyAward* *Boy Bawang* *Brown-fox* *Bulitas* *BurningMyth* *Byahilo* *Byron* *Cahren* *Camille* *Carl* *Cars* *Caz* *Cbeam* *CD05* *Ceejoy* *Camille* *Camille[2]* *Cath* *Catmille* *Chaka* *Charlene* *Charlesmark* *Charmaine* *Chax* *Chiara* *Chino-zou* *Chreesiih* *Chris Eriz* *Christine* *Cigaratte_Girl* *Ciel* *Clara* *Corsarius* *Crazeytin* *Cutie_Barbs* *Dan* *Dane* *Daniella* *Dee* *Deejay* *Denise* *Deva* *Diane* *Diane[2]* *Diway* *Donya* *Dootzey* *Dowis* *Dx_ter* *Dyei* *Easther * *Eberi* *Eden* *Edgar* *EdiKulit* *Eella* *Eena* *Eena[2]* *Ehji* *Elai* *Elegiac* *Elise* *Ella* *Elle* *Emz* *Eseffe* *Faye* *Faye[2]* *Fayenget* *Fia* *Fida* *Fiel* *Fiona* *Fiona[2]* *Frances* *Ge* *Gee* *Gee[2]* *Gem* *Gerome* *Gian* *Gianna* *Gio* *Gilberto* *Gladys* *Glam* *Glenda* *Golden Arrow* *Grace* *Grace[2]* *Gurlie_Gurl* *Hanmae* *Hana* *Hance* *Heneroso* *Hg_4_short * *HLL* *Ian* *Ice* *Idealpinkrose* *Idol_Fanatic* *Ikam* *Ikay* *Intendies* *Irish* *Isteysi* *Isha* *Issa* *Kukote* *Ivan* */iambrew* *Jam* *Jami* *Janine* *Janpol* *Jap* *Janrick* *JC_hitomi* *Jeeper* *Jem* *Jenn* *Jenny* *Jenny[2]* *Jenny[3]* *JenPrincess* *Jerine* *Jhana* *Jhed* *Jho* *Jigs* *jinjiruks* *Jo* *Jod* *Johanna* *Joichie* *Jonnazel* *Jops* *Jot* *Joy-joy* *Juana* *Juice* *Justine* *Justine[2]* *Jynjyn* *Kace* *Kaishie* *Kanj* *Kami* *KJ* *Kkartz* *Kamille* *KapamilyaDos* *KapamilyaOne* *Kape* *Karen* *Karen[2]* *Karen[3]* *Karen[4]* *Kariza* *Karla* *Karla[2]* *Kat* *Katia* *Kate* *Kath* *Katikat* *Katrin* *Kawaii* *Kaye* *Kaye[2]* *Kayla* *KC* *KCentral* *KD* *Kembot* *Keybi* *Kevin* *Kevin ray* *Khatchee* *Khen* *Kim* *Kim[2]* *Kimpoy* *Klaudine* *Kneeko* *Krisha* *Kz* *Laine* *LaLa* *Lala[2]* *Lara* *La Reine* *Lastdodobird* *Laureen* *Laureen_anne* *Len* *Ley* *Lily* *Linlin* *Linmer* *Lira* *Louise* *Lotti* *Lojika* *Luisa* *Macy* *Mae* *Maelou* *Maelou[2]* *Isulong Seophr* *Malyx* *Mara* *Marc* *Marc[2]* *Maricon* *Mariel* *Mark* *Marose* *Martin* *Mary* *Mats* *May* *Mayee* *Mel* *Melody* *Memesh* *Meowpaw* *Mhellow* *Michi* *Michi* *Milchaw* *Millet* *Mina* *Minamalas* *Mischarmed* *Mishi* *Misu* *Miss Joyce* *Mitch* *Monique* *Mm.Crl* *Mmy-Lei* *Mr.Tuesday* *Ms. Jones* *Myaddiktiion* *Myles* *Naj* *NakedTruth* *NaYrB* *Neil* *Nic* *Nice* *Nicole* *Nicolette* *Nika* *Nikki* *Nina* *Ninin* *Nour* *Nt_en_else* *Nyani* *Onang* *Paeng* *Pamz* *Pao* *Paolo* *Patchicha* *Patty* *Patty[2]* *Patz* *Pauline* *Pearl* *Penoi* *PenoyCentral* *Peter* *Piapie* *Pon* *Pongster* *Potpot* *Princess* *Princess[2]* *Rachel* *Rachelle[2]* *Rachelle[3]* *Racky* *Racquel* *Ralph* *RalphT* *Ray* *Razelle* *RC* *Rain* *Rej* *Rho* *Richard* *Rina* *Rina[2]* *Rob* *Rockchixx* *rockstilrulz* *Rodel* *Romina* *Ron* *Rowjie* *Ruth* *Sandra* *Sam* *Sarah* *Sasa* *Sassa* *Sempai* *Shadowmeld* *Shally* *Shane* *Shang* *Shardz* *Shawboy* *SheiQs* *Sheryl* *Sheryl[2]* *Siomai* *Sk8* *Stellar* *Stylus* *Super Adz* *Szarina* *Talamasca* *Talksmart* *Tangkie* *Tara* *Teri* *Textmates* *The Whore* *Thea* *Therese* *Third* *Thin* *Tjay* *TK* *Tonz* *Tricia* *Trina* *Trinka* *Tsina* *Tsoknat World* *U.K.* *Valerie* *Vanny* *Verna* *Vianx* *Vic* *Vilee* *Vin* *Von* *Webhauz* *William* *Wishes* *Xiennah* *Xwee* *Yasu* *Ychel* *Ymir * *Ymir * *Ysha* *Yumi* *Zord*

    past is past

    January 2006
    February 2006
    March 2006
    April 2006
    May 2006
    June 2006
    July 2006
    August 2006
    September 2006
    October 2006
    November 2006
    December 2006
    January 2007
    February 2007
    April 2007
    May 2007
    June 2007

    recent entries

    aral. kolehiyo. nurse. paalam.
    blow moan
    ZZZZZZZZzzzzz.....
    Bretni Espirs - BALD
    JS Prom attire?
    Manny? tatakbo? Boxing nalang.
    The Typo Test
    Pumasa ako sa UP DiliMin!
    Yehey! Hindi masyado mahirap ang NCAE!
    NCAE!!! Have mercy on us...

    inquiries

    You can ask any question and I'll answer it right away! Please don't submit blank forms.

    Ano ang tanong mo?



    Q[61]:Did you make this layout yourself? Can you make me one?

    Nope. I got this from www.blogskins.com! WOW! English spekeni!

    Q[60]:honor student k b? anong place mo?

    Noon, OO. Pero ngayong 4th year, HINDI na.. Nasa rank 18 na kasi ako ngayon.

    Q[59]:palagay mo sino ako?

    si ederlyn.

    Q[58]:kapuso o kapamilya?

    Siyempre! Kapamilya! Ampanget ng mga palabas sa GMA! Asian Treasures lang yata ang astig 'dun!

    Q[57]:kailangan ba talaga ang NCAE??? kung hinde. bkt pa nila ito ginagawa. kung parang piigilan nila ang estudyante sa pagpili ng kurso??--sentimented

    Walang kwentaaaa ang NCAE!!!! - yan lang ang masasabi ko.

    Q[56]:nasubukan mo na bang jumebs sa school?

    Muntik na noong elementary pa ako.. Bukas, susubukan ko.

    Q[55]:what is your faith???

    My faith is 15 years old. Thank you. LOL!

    Q[54]: bilangin mo lahat ng links mo.. di ka ba nahihirapan magblog hop?

    17,465,782.58 lahat. Minsan, nahihirapapan ako. NAPAKAHIRAP.

    Q[53]: bakit ang laki ng ipin mo??? owner ba kau ng colgate???

    Hindi Colgate! Close-up!

    Q[52]:E nagka-girlfriend ka na ba?

    Wala pa.. Sabi kasi ng magulang ko mag-aral muna.. Haaaaay.

    Q[51]:kung babae ka, sino ang pipiliin mo maging crush? daniel radcliffe, channing tatum o chris pine?

    Um.. Si Daniel Radcliffe siguro. Siya lang kasi kilala ko sa mga binanggit mo. Sino si Tatum at Pine?? 'Di naman yata yan sikat.

    Q[50]: anong masasabi mo na nagfifit ang mukha mo kay ninoy aquino?

    Ang swerte-swerte ni Ninoy! Siguro kung buhay pa siya, mamamatay siya sa tuwa!

    Q[49]: ok ang sarap magtanong. haha.musta ka nman?haha.

    Ok lang.. Homo sapiens pa rin. Himihinga pa. Tao pa. Buhay pa.

    Q[48]: may girlfriend ka na ba? :)

    Ala pa... :(

    Q[47]:which came first the chicken or the egg?

    Chicken kasi nang ginawa ng Diyos ang mundo, malalaki na ang mga nilalalang o creatures gaya ng tao, puno, kabayo atbp. Kaya chicken ang sagot ko diyan.

    Q[46]:rate your kagwapuhan from one to ten.

    um... 10? LOL! Biro lang... Kayo na humusga! Bawal negative ha!

    Q[45]:ikaw.. magsusumbong ka ba kapag nireyp ka ni daniel smith (kung girl ka sakali)?

    Kung ako? Siyempre... HINDI AKO MAGSUSUMBONG! Baka pa nga si Smith ang magsampa ng kaso sa 'kin! LOL! Biro lang.

    Q[44]:san ung location ng school mo?

    Digos City. Katabi lang ng Davao. Bakit? Dadalawin mo ako?

    Q[43]:Najejebs ka at walang CR sa mall lahat out of order, ano na ang gagawin mo?

    Ilalabas ko nalang sa brief ko. Ambaho no? Ala choice eh.

    Q[42]:Mahal mo ba ako?

    OO! Ako? Mahal mo rin ba ako?

    Q[41]:ok lang bang tanungin kung wat year ka na and from what school ka?..tnx..

    Um.. 4th year HS. Digos City National High School (DiCNHS). Bakit?